Home NATIONWIDE Comelec umaasa sa desisyon ng Kongreso sa pagbabago sa party-list system bago...

Comelec umaasa sa desisyon ng Kongreso sa pagbabago sa party-list system bago mag-Oktubre

1
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na anumang pagbabago sa party-list system ay gagawin bago ang Oktubre upang mailapat ito ng poll body sa paghahanda nito para sa 2028 National and Local Elections, sinabi ni chairperson George Garcia nitong Huwebes, Agosto 13.

Nakabinbin sa ikalawang pagbasa sa Senado at Kamara ang Party-list System Reform Act.

Ibinahagi ni Garcia na bilang bahagi ng technical working group, ibibigay ng Comelec ang kanilang kadalubhasaan sa pinal na bersyon ng iminungkahing panukala.

Ayon kay Garcia, magkakaroon ng pagbabago ng party-list system, dahil target aniya ng Comelec na mas maaga ang paghahanda para sa 2028 National and Local Election.

“Of course, puwede naman po kaming mag-extend kung kaya lang gusto natin na masasa lang namin nang mabuti at maayos yung mga magpapa-accredit ng political parties, party organizations, pati ang mga nominee nila base sa ipapas na batas,” dagdag pa ni Garcia.

Ayon pa kay Garcia, dapat ibalik ang orihinal na mga sektor na nakalagay sa Konstitusyon.

Kasama na rito ang mga kabataan, kababaihan, pesant, mangingisda, beterano, PWDs at iba pang sektor na nakalagay sa Saligang Batas.

Giit ni Garcia, kung maibabalik ito, ibig sabihin na ang bawat sektor na ito na talagang marginalized at underrepresented ay magkakaroon ng boses dahil siguradong meron sila sa party-list.

Sa ilalim ng Seksyon 5 (2), Artikulo VI ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang mga kinatawan ng party-list ay dapat ihalal mula sa “manggagawa, magsasaka, maralitang tagalungsod, katutubong pamayanang kultural, kababaihan, kabataan, at iba pang sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor ng relihiyon.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here