Home NATIONWIDE Malakanyang sa solons: Pag-aralan muna 2027 badyet bago magkomento

Malakanyang sa solons: Pag-aralan muna 2027 badyet bago magkomento

1
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga mambabatas na nagbigay ng magkaibang pahayag na pag-aralan muna ang financial assistance component ng panukalang P7.2-trillion national budget para sa taong 2027.

Tinukoy ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang naging pahayag ni Caloocan Rep. Edgar Erice, kung saan sinabi ng huli na labis na nakatuon ang government spending sa pagtulong at kapos sa imprastraktura habang sinabi naman ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, na ang panukalang 2027 budget ay isang anti-poor para sa di umano’y pagbabawas sa social services habang tinataasan naman ang alokasyon para sa ‘infrastructure at defense.’

“Sino ba sa kanila nagsasabi ng totoo? Siguro, dapat mag-usap na muna sila, sino ba sa inyo nagsisinungaling, ‘di ba? Sino sa inyong dalawa ang nagsisinungaling o pareho ba kayong nagsisinungaling,” ani Castro.

Sa kabilang dako, ipinagtanggol din ni Castro ang panukalang budget, sabay sabing prayoridad nito ang edukasyon, imprastraktura, disaster resilience at social protection, kung saan sinabi niya na hindi dapat i-assessed na nakabukod.

“Kaya sabi nga po natin, bago magsalita, mag-aral po muna,” ang winika ni Castro.

Tinukoy din ni Castro ang mga programa gaya ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), subsidized rice program ng gobyerno, Local Government Support Fund at financial assistance na ibinibigay sa panahon ng disasters bilang halimbawa ng programa na napakikinabangan ng mga mahihirap at vulnerable Filipino.

Samantala, hinamon naman ni Castro ang mga kritiko na kinukuwestiyon ang spending priorities ng administrasyon na suriing mabuti ang buong budget kaysa nakatutok lamang sa individual reductions o pagtataas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here