Home METRO Driver ng supercar na may pekeng plaka, pinatawag ng LTO

Driver ng supercar na may pekeng plaka, pinatawag ng LTO

3
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa rehistradong may-ari at itinalagang driver ng isang supercar matapos matuklasang umano’y gumagamit ito ng pekeng plaka.

Ayon sa LTO, hindi tumutugma ang alphanumeric combination ng plaka ng sasakyan sa opisyal nitong rehistradong plate number. Hindi pinangalanan ng ahensya ang aktor at negosyanteng may kaugnayan sa sasakyan.

Inatasan ang may-ari at driver na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng sinumpaang paliwanag tungkol sa umano’y paglabag.

Pinapaliwanag din ang driver kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanyang lisensya dahil maaari siyang ituring na hindi angkop na magmaneho. Pansamantala ring sinuspinde sa loob ng 90 araw ang kanyang lisensya at inutusang isuko ito sa IID.

Isinailalim din sa alarm status ang supercar, at inatasan ang LTO Law Enforcement Service na i-impound ang sasakyan.

Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, walang VIP o exemption sa pagpapatupad ng batas, at pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa mga patakaran ng LTO.

Patuloy na iimbestigahan ng LTO ang kaso upang mapanatili ang integridad ng sistema ng pagpaparehistro ng mga sasakyan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here