Home METRO Tubig sa ilalim ng Kalaklan bridge sa Olongapo, nasa kritakal na lebel...

Tubig sa ilalim ng Kalaklan bridge sa Olongapo, nasa kritakal na lebel na

3
0

OLONGAPO, Philippines – Umabot sa kritikal na antas ang tubig sa ilalim ng Kalaklan Bridge sa Olongapo City nitong Biyernes dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office, tumaas sa 2.6 metro ang lebel ng tubig sa Kalaklan Bridge bandang 11:33 a.m., mula sa 2.1 metro na naitala kaninang umaga.

Samantala, nasa 1.7 metro ang tubig sa Del Rosario Bridge at 2.1 metro naman sa Sta. Rita Bridge, na kapwa nasa warning level pa rin.

Nauna nang umabot sa spilling level ang tatlong tulay nitong nakaraang linggo, na naging sanhi ng pagbaha sa ilang bahagi ng Olongapo City. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here