Home NATIONWIDE 2-anyos nalunod sa kanal sa Pangasinan

2-anyos nalunod sa kanal sa Pangasinan

5
0

PANGASINAN, Philippines – Nasawi ang isang 2-taong-gulang na batang babae matapos malunod sa isang kanal noong Huwebes ng hapon sa Barangay Dinalaoan, Calasiao, Pangasinan.

Ayon kay Kristine Joy Soriano, tagapagsalita ng Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, aksidente ang insidente at hindi ito isinama sa talaan ng mga disaster-related casualties.

Batay sa paunang impormasyon, aksidenteng naitulak ng kanyang nakatatandang kapatid ang bata habang naglalaro sila sa tabi ng kalsada.

Samantala, 21 sa 24 barangay ng Calasiao ang nananatiling binabaha. Umabot sa 264 pamilya o 968 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa Calasiao Sports Complex, habang 85 pamilya o 318 katao ang nasa iba’t ibang evacuation centers sa walong barangay.

Upang maging kapaki-pakinabang ang pananatili ng mga evacuee sa sports complex, nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga skills training, kabilang ang paggawa ng dishwashing soap, at parent effectiveness sessions. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here