MANILA, Philippines – Inaasahan ang malalakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon mula Agosto 15 hanggang 17 dahil sa Habagat, ayon sa PAGASA.
Batay sa heavy rainfall outlook nitong 11 p.m. ng Biyernes, maaaring makaranas ng 50–100 mm na ulan ang mga sumusunod na lugar:
–Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi (Agosto 15): Zambales at Bataan
–Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi (Agosto 16): Zambales at Bataan
–Linggo ng gabi hanggang Lunes ng gabi (Agosto 17): Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro
Nagbabala ang PAGASA na maaaring mas mataas pa ang dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar, at maaaring lumala ang epekto ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na nakaranas na ng matinding pag-ulan nitong mga nakaraang araw. RNT/MDS