Home METRO No-sail zone itinakda sa Isabela sa Agosto 17–18 para sa CABEX 2026

No-sail zone itinakda sa Isabela sa Agosto 17–18 para sa CABEX 2026

3
0

ISABELA, Philippines – Magpapatupad ng pansamantalang no-sail zone sa karagatan ng Dinapigue, Isabela sa Agosto 17 at 18 dahil sa live-fire exercises ng Philippine Army bilang bahagi ng Combined Arms Brigade Exercise (CABEX) 2026.

Ayon sa Coast Guard Station Isabela, sakop ng restriksyon ang katubigan sa paligid ng Dinapigue upang matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda, bangkero, at iba pang gumagamit ng dagat.

Pinayuhan ang publiko na iwasan ang naturang lugar sa araw at gabi habang isinasagawa ang live-fire activities upang maiwasan ang aksidente at iba pang insidente sa dagat.

Magbabalik ang normal na operasyon sa karagatan matapos makumpleto ang pagsasanay ng hukbo.

Ang CABEX 2026, na nagsimula noong Agosto 10, ay isinasagawa ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade ng 5th Infantry “Star” Division upang palakasin ang kahandaan ng mga sundalo sa territorial defense operations.

Kabilang sa pagsasanay ang planning drills, simulations, rehearsals, at live-fire activities, na nakatuon sa command and control, koordinasyon, at sabayang paggamit ng iba’t ibang kakayahan ng militar sa pagtatanggol ng teritoryo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here