Home NATIONWIDE DOF: Pax Silica, malaking pagkakataon para sa AI, tech ng Pilipinas

DOF: Pax Silica, malaking pagkakataon para sa AI, tech ng Pilipinas

6
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Finance Secretary Frederick Go na maraming “fake news” tungkol sa planong paglahok ng Pilipinas sa Pax Silica initiative, at sinabi niyang isa itong “once-in-a-lifetime opportunity” upang makapagtayo ng high-tech manufacturing hub at makasabay ang bansa sa pandaigdigang pag-usbong ng artificial intelligence (AI).

Ayon kay Go, malaking pagkakataon ito upang magkaroon ng mga produktong maaaring ipagmalaki bilang “made in the Philippines.”

Sumali ang Pilipinas sa US-led Pax Silica coalition noong Abril, at inilaan ng pamahalaan ang 1,619-ektaryang lupain sa New Clark City para sa isang innovation hub na nakatuon sa critical minerals, semiconductors, AI, at advanced manufacturing.

Binigyang-diin ni Go na “There’s not a single Aeta in the property. There’s not a single farmer in the 1,600-hectare area. There was no discussion of building a data center in Pax Silica.”

Gayunman, may mga grupong pangkalikasan, katutubo, at magsasaka na nagpahayag ng pangamba sa posibleng epekto ng proyekto sa mga komunidad ng Aeta, mga magsasaka, at sa kapaligiran, kabilang ang pangangailangan sa tubig at kuryente.

Kinilala naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na may ilang magsasakang gumagamit ng bahagi ng lupang nakalaan sa proyekto, ngunit sinabi nitong hindi sila agad mapapaalis.

Samantala, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na suportado niya ang Pax Silica, ngunit dapat itong sumunod sa batas, tugunan ang mga isyu sa tubig at kuryente, at protektahan ang mga magsasaka at katutubo laban sa posibleng displacement. Hiniling din niyang tiyakin ang technology transfer upang makinabang ang Pilipinas sa kaalaman at kakayahang dala ng mga mamumuhunan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here