Home METRO Dating beauty queen, 5 iba pa, nasagip ng NBI sa human trafficking...

Dating beauty queen, 5 iba pa, nasagip ng NBI sa human trafficking group sa Makati

1
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating beauty queen at limang babaeng Ruso mula sa hinihinalang human trafficking group sa isang operasyon sa Makati City noong Huwebes.

Ayon sa NBI, isinagawa ng International Operations Division (IOD) ang operasyon madaling-araw, na nagresulta sa pagsagip sa anim na babae at pagkakaaresto ng isang lalaking suspek.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay inaalok umano para sa komersyal na seksuwal na pagsasamantala sa ilalim ng kunwaring PR modeling at companionship services. Kabilang umano sa mga inaalok ang mga dating pageant titleholder, artista, at modelo.

Sinabi ng NBI na inayos ng poseur-operative ang booking ng mga babae at pumayag ang suspek na ibigay ang mga ito sa halagang ₱25,000 bawat isa, bukod pa sa komisyon.

Inaresto ang suspek matapos nitong tanggapin ang marked entrapment money mula sa operatiba ng NBI.

Ang anim na biktima ay nasa pangangalaga ngayon ng Makati City Social Welfare and Development Office para sa kaukulang aftercare at iba pang tulong.

Samantala, sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here