Home NATIONWIDE Siyensa, disiplina kailangan vs Baha – solon

Siyensa, disiplina kailangan vs Baha – solon

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan na pagsabayin ang pangmadalian at pangmatagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa bansa, at tiyaking nakabatay ang mga ito sa siyensiya.

Ayon kay Yamsuan, mahalaga ang mga agarang hakbang tulad ng backhoes, mobile pumping stations, at dredging upang linisin ang mga estero at kanal. Ngunit sinabi niyang ang pangmatagalang solusyon ay science-based urban planning at disiplina sa pamamahala ng basura.

Binigyang-diin din niya na dapat higpitan ng mga lokal na pamahalaan (LGUs) ang pagpapatupad ng tamang pagtatapon ng basura at maglagay ng mga basurahan na may waste segregation sa mga estratehikong lugar upang maging madali ang wastong pagtatapon ng basura ng mga residente.

Sinabi ni Yamsuan na hindi sapat ang sisihin lamang ang publiko dahil kailangan ding magkaroon ng maayos na sistema at imprastraktura para sa pamamahala ng basura.

Ang panawagan ay kasunod ng pahayag ni Public Works Secretary Vince Dizon na may “garbage crisis” sa Metro Manila matapos makolekta ang 500 toneladang basura mula sa Baclaran estero, at ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila ay may kaugnayan sa problema sa basura.

Nakikipag-ugnayan din si Yamsuan sa DPWH upang mapabilis ang pagbawas ng baha sa mabababang lugar sa ikalawang distrito ng Parañaque, kabilang ang planong flood interceptor project sa Dr. Santos Avenue. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here