Home METRO Alice Guo, may bagong warrant sa 3 kaso ng graft

Alice Guo, may bagong warrant sa 3 kaso ng graft

1
0

MANILA, Philippines – Sinilbihan si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng panibagong warrant of arrest kaugnay ng tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Ayon sa Pasig Regional Trial Court Branch 67, kasama sa mga kaso ang 11 iba pang akusado. Itinakda ng korte ang piyansang ₱90,000 bawat bilang ng kaso.

Kasalukuyang nakakulong si Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City matapos siyang hatulang guilty sa qualified human trafficking at sentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong.

Samantala, hinatulan din ng Pasig RTC Branch 167 ng life imprisonment ang ilan sa kanyang mga kasamahan, kabilang sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, Walter Wong Rong, Wang Weili, Wuli Dong, Nong Ding Chang, at Lang Xu Po.

Inatasan din silang magbayad ng ₱2 milyon na multa bawat kaso, bukod pa sa danyos para sa mga biktima.

Iniutos din ng korte ang pagkumpiska ng Baofu compound na nagkakahalaga ng ₱6 bilyon pabor sa gobyerno at ang permanenteng pagbawi ng rehistro ng Baofu Land Development Inc., Hongsheng Gaming Technology Inc., at Zun Yuan Technology Inc. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here