Home METRO Nawawalang lalaki, natagpuang patay sa ilog sa Zambales

Nawawalang lalaki, natagpuang patay sa ilog sa Zambales

3
0

ZAMBALES, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking naunang naiulat na nawawala sa Castillejos, Zambales noong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Eddie Garcia Bonus, na iniulat na nawawala sa Barangay Balaybay at pinaniniwalaang nalunod.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang kanyang bangkay bandang 5:00 p.m. sa Burgos River sa Barangay Angeles.

Isang 14-anyos na residente ang nakakita sa bangkay at agad itong ipinaalam sa kanyang ina, na siya namang nag-report sa mga awtoridad.

Naantala ang retrieval operation dahil sa malakas na agos ng ilog, ngunit matagumpay na narekober ang bangkay bandang 8:27 p.m.

Patuloy ang imbestigasyon ng Castillejos Municipal Police Station upang matukoy ang eksaktong pangyayari sa pagkamatay ng biktima. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here