Home OPINION FLOOD CONTROL PROJECTS, PAANO BA MAGIGING EPEKTIBO?

FLOOD CONTROL PROJECTS, PAANO BA MAGIGING EPEKTIBO?

2
0

SA bawat paglakas ng ulan, hindi nawawala sa isipan ng taumbayan ang flood control issue. Bakit nga ba baha pa rin kahit patuloy ang pagsasaayos ng flood control projects? Hindi maling sabihin na ang solusyon ay hindi lamang nakatuon sa dami ng ginagawang konkretong istruktura. Ang tunay na epektibong flood control ay nangangailangan ng integrated, science-based at pangmatagalang flood management.

Isa sa pinakamahalagang best practices ay ang pagkakaroon ng comprehensive drainage at flood management master plan na nakabatay sa aktwal na watershed, river basin, rainfall patterns, flood history at land-use development.

Ayon sa mga pamantayan ng Department of Public Works and Highways o DPWH, kailangang teknikal na pinag-aralan ang mga proyekto at isinasaalang-alang ang flood return period, pagbabawas ng flood-prone areas, tagal ng pagbaha at flood damage.

Hindi rin dapat puro “grey infrastructure” gaya ng floodwalls, dikes at drainage. Mahalaga ang nature-based solutions tulad ng restoration ng wetlands, retention areas, waterways at natural river channels.

Ayon sa Asian Development Bank na nagpapautang sa ilang flood control projects, maaaring dagdagan ng mga paraang ito ang kapasidad ng kalikasang sumipsip at mag-imbak ng tubig habang nagbibigay din ng environmental benefits.

Kailangan ding palakasin ang drainage maintenance, desilting, pumping stations at solid waste management. Kahit gaano kaganda ang drainage system, babagsak ang kapasidad nito kapag barado ng basura at sediment.

Mahalaga rin ang flood forecasting at early warning systems. Dapat may malinaw na warning levels, evacuation routes at mabilis na communication sa barangay at komunidad. Kasama rito ang regular na drills at community-based disaster preparedness.

At higit sa lahat, dear readers, kailangan ang transparency, accountability at regular evaluation upang maiwasan na rin ang anomang pananamantala. Ang bawat flood control project ay dapat masukat hindi sa laki ng budget o haba ng concrete structure, kundi para sagutin ang katanungang nabawasan ba talaga ang pagbaha at pinsala nito sa komunidad?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here