Home OPINION VP SARA PA RIN KAHIT MAY IMPEACHMENT

VP SARA PA RIN KAHIT MAY IMPEACHMENT

3
0

WALA yatang makapipigil kay Vice President Sara Duterte na maging Pangulo ng Pilipinas simula sa 2028.

Akalain ba nating sa kabila ng tuloy-tuloy na paninira sa kanya sa iba’t ibang paraan gaya ng impeachment at media propaganda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga kritiko niya, si VP Sara pa rin ang nakalalamang sa lahat ng posible niyang katunggali.

Sa pinakahuling sarbey ng WR Numero, nakakuha siya ng 39% boto kumpara sa 21% ni dating VP Leni Robredo.

Malayong-malayo na nga ang agwat ng nakaupong Bise Presidente sa dating Bise Presidente, higit pang malayo ang agwat nito sa mga posibleng makasasagupa nito na sina Senador Bam Aquino na nakakuha ng botong 3% at Risa Hontiveros na may 2%.

Kaugnay nito, habang sinisiraan si VP Sara sa pamamagitan ng impeachment, lumabas sa sarbey ng OCTA Research nitong Hulyo 4-11, 2026 na 21 % ang may gustong ipawalang-sala siya habang 17% ang may gustong ideklara siyang nagkasala at 7% ang walang posisyon dito.

At ang matindi pa, may botong 43% si VP Sara bilang Pangulo habang 34% ang kay ex-VP Leni at may 1%-3% lang si Hontiveros.

Nitong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at Hulyo 6, 2026 na pasimula ng impeachment trial, sinabi naman ng Pulse Asia na 49% ang boboto kay VP Sara habang 26% ang kay ex-VP Leni at ‘yung iba, malayong-malayo na gaya ni Hontiveros na may 0.01%-1% lamang.

Sa National Momentum survey na isinagawa nitong Hulyo 13-16 na kasagsagan na ng impeachment na may layuning sirain si VP Sara, nakakuha siya ng 44.2% o boto at si ex-VP Leni, 23.8% at kabilang sa mga kulelat pa rin si Hontiveros na nakakuha ng 2.4%.

Mag-isip na ang dapat mag-isip hanggang 2028-2034.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here