Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na hilingin ng legal team ni Vice-President Sara Duterte sa Quezon City court na dinggin ang kanyang oral arguments para sa kanyang motion to quash sa grave threats case na isinampa laban sa kanya.
Sinabi kasi ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni VP Sara, na naghain ang depensa ng manifestation para igiit ang kahalagahan ng oral arguments dahil sa umano’y malawak na epekto ng mga kaso.
Ayon kay Lim, maaaring magkaroon ito ng implikasyon sa iba pang mga nakaupong opisyal na maaaring ma-impeach.
Aniya, kung maaaring kasuhan at litisin ang isang nakaupong vice president, maaari rin umanong kasuhan ang iba pang impeachable officials tulad ng Ombudsman, mga miyembro ng Constitutional Commissions, mga mahistrado ng Supreme Court, at maging ang Pangulo.
Sa kabilang dako, ninatikos naman ni Castro ang kampo ni VP Sara, inilarawan ito bilang panibagong pagbabanta laban kay Pangulong Marcos.
Nanawagan din Castro kay VP Sara at sa legal team nito na tapusin na ang “infamous culture for which they are known.”
“Are they issuing yet another threat? It appears to be the same narrative,” aniya pa rin.
“However, we must remember that no one is above the law. Anyone who violates the law or abuses their authority must face the consequences of their actions,” dagdag na pahayag ni Castro.
Giit ni Castro, ang isang nakaupong elected official ay maaari pa ring maging ‘subject to impeachment’ kung mayroong sapat na grounds.
“In fact, any impeachable official may be impeached provided there are valid grounds, rather than cases built on fabricated evidence and paid false witnesses,” ani Castro. (KRIS JOSE)