Home METRO 9 tripulante nasagip sa sumadsad na tugboat sa Zambales

9 tripulante nasagip sa sumadsad na tugboat sa Zambales

1
0

ZAMBALES, Philippines – Nasagip ng mga Rescue Team ang siyam (9) na tripulante kabilang ang kapitan ng isang Tugboat na sumadsad dahil sa sama ng panahon sa karagatan sakop ng Barangay Bangan, Botolan, Zambales.

Maagap na nakatugon ang Response Team ng Botolan, Zambales Rescue katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) makaraang makatanggap ng ulat hinggil sa sumadsad na Tugboat SL SUAI 1 sa nabanggit baybaying dagat.

Malalakas umanong hangin, ulan at malalaking hampas ng alon ang dahilan para sumadsad ng tugboat dahil sa sama ng panahon dulot ng Habagat.

Dinala ang mga nasagip na tripulante sa Botolan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nasa Ligtas ng kalagayan. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here