Home ENTERTAINMENT Michael V, may tribute kay Alex Eala!

Michael V, may tribute kay Alex Eala!

2
0

Manila, Philippines – May pencil sketch ni Alex Eala na ipinost si Michael V sa kanyang Instagram account.

Naka-side view doon ang matagumpay na tennis player who’s holding a racquet.

Kahit gamit lang ang lapis, recognizable naman ang subject sa sketch.

Nilakipan pa ito ni Michael V ng caption na: “NAKAKABILIB KA!!!” na kinabiliban din ng mga netizens.

llan lang sa mga comments ay: “Wowww!”, “Amazing!”, “Both GOAT!”, “Nakakabilib siya. Pati ikaw, kuya!”, “Pareho kayong nakakabilib!”, “Lupit Toybits!”, “Nice!”, “Bumalik na kayo sa pagdo-drawing!” at “Angas talaga!”

May nagtanong kung ano na lang ang hindi kayang gawin ng multi-talented na si Michael V?

May nakaalala pa ngang may ginawa ding pencil sketch si Michael V ni Kobe Bryant at kinabiliban din.

Ikaw na ang mamakyaw ng talento! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here