Home ENTERTAINMENT Ina ni Awra, may breast cancer!

Ina ni Awra, may breast cancer!

1
0

Manila, Philippines – Nawala ang pagiging masayahin ni Awra Briguela.

Ito’y makaraang malaman niyang dinapuan ng breast cancer ang kanyang ina na si Marivic.

Ibinahagi ni Awra ang kanyang panalangin via a short reel.

Aniya sa video: “This video is not for the weak… because imagine praying at exactly 11:11, believing everything will be okay, only to receive the news that changes everything.”

Sa video na may running time na 40 segundo, sana’y maging maayos daw ang kalagayan ng ina tungo sa paggaling nito.

“Lord God, sana maging successful ang operation ng Mama ko… sana mabilis ang recovery namin.

“Sana walang infection…this we pray in Jesus’ name. Amen.”

Tinawagan niya pagkatapos ang kamag-anak na kasama ng ina at inilagay sa loud speaker.

Sa video’y maririnig ang naiiyak na sagot ng ina.

The doctor informed Awra about her mom’s condition.

But Awra was advised not to shed tears dahil sa isinagawang rhinoplasty sa kanya.

Ayon sa doktor ng ina, sasailalim si Marivic sa breast removal–bagay na nagpaiyak kay Awra.

Sa comment section, bumaha ng suporta mula sa mga followers ni Awra at maging sa mga kapwa niya celebrities. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here