Home NATIONWIDE Pag-aprub sa GINHAWA Act na bawas-buwis sa minimum wage, hirit sa Senado

Pag-aprub sa GINHAWA Act na bawas-buwis sa minimum wage, hirit sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senate President Win Gatchalian sa Senado ang agarang pagsasabatas ng panukalang Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos Act (GINHAWA Act) upang maibsan ang pasanin ng pangkaraniwang minimum wage earners sa pagbabayad ng buwis.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, isponsor at awtor ng panukala, na layunin ng GINHAWA Act na pagkalooban ng  bawas-buwis sa sinumang kumikita ng minimum wage bilang tugon sa tumataas na inflation sanhi ng pagtaas ng halaga ng pangunahing bilihin at produktong petrolyo.

Umaasa si Gatchalian na mapapabilis ang pagkaka-apruba ng Senado sa matapos pagtibayin ang katulad na panukala sa Mababang Kapulungan kamakailan.

Sinabi ni Gatchalian na napakahalaga ng pagsasabatas ng panukala sa gitna ng mababang 2.3% na paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter, na bahagyang idinulot ng malaking pagbaba sa household consumption.

“Maitataguyod ng ‘pump priming’ ang aktibidad sa ekonomiya, ngunit ang mas malakas na pagbangon ay nakadepende sa mas mabilis na produksyon at makabuluhang paglago sa konsumo ng mga Pilipino,” ayon kay Gatchalian.

Binigyang-diin niya na tataas sa pamamagitan ng panukalang ito ang disposable income ng mga kumikita ng minimum wage, na lalo pang nabawasan dahil sa mataas na inflation.

Ang Senate Bill No. 56, na iniakda ni Gatchalian, ay naglalayong pataasin ang take-home pay ng mga karaniwang manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagtaas ng limitasyon para sa libre sa buwis (income tax exemption threshold) sa P400,000 na taunang kita mula P250,000, at pagtaas sa limitasyon ng mga bonus na walang buwis sa P150,000 mula P90,000.

Ang panukala ay bahagi ng priority agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Samantala, ipinapanukala naman sa bersyon ng Mababang Kapulungan na itaas ang limitasyon sa libre sa buwis na kita sa P350,000. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here