Home METRO Nabubulok na bangkay ng lalaki, natagpuan sa gubat sa Abra

Nabubulok na bangkay ng lalaki, natagpuan sa gubat sa Abra

1
0

ABRA, Philippines – Isang magsasaka na naghahanap ng kabute sa isang kagubatan sa Barangay Bagalay, Tayum, Abra ang nakadiskubre ng nabubulok na bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki bandang tanghali noong Miyerkules.

Agad niyang ipinaalam ang natuklasan sa isang barangay tanod, na siyang nag-report sa Tayum Municipal Police Station.

Ayon sa pulisya, tinatayang tatlo hanggang apat na araw nang patay ang lalaki. Tinatayang 30 hanggang 40 taong gulang, may taas na humigit-kumulang limang talampakan, at asul-berdeng shorts lamang ang suot nang matagpuan.

Wala umanong residente sa barangay ang nakakakilala sa biktima, kaya pinaniniwalaang maaaring taga-ibang lugar ito.

Sa paunang pagsusuri ng pulisya, wala ring nakitang malinaw na panlabas na sugat sa katawan.

Nakikipag-ugnayan na ang Tayum police sa iba pang ahensya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Hinikayat ng mga awtoridad ang sinumang may nawawalang kamag-anak o may impormasyon tungkol sa biktima na makipag-ugnayan sa Tayum Municipal Police Station. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here