Home NATIONWIDE 2 mins time limit ng senator-judges sa pagtatanong sa impeachment trial, pinahihigpitan

2 mins time limit ng senator-judges sa pagtatanong sa impeachment trial, pinahihigpitan

1
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado, Agosto 15, ang kahalagahan ng pagsunod sa napagkasunduang takdang oras sa pagtatanong ng mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ani Lacson, na mismong sumunod sa dalawang-minutong takdang oras para sa pagtatanong ng mga senator-judge sa mga testigo, ang pagsunod sa napagkasunduang takdang oras ay usapin ng disiplina at makatutulong upang maging maayos ang takbo ng mga paglilitis.

“Kailangan naming ipakita may discipline kami. Pag sinabing two minutes, dapat two minutes,” aniya sa panayam sa DZMM.

Pabiro niyang dagdag na maaaring kailanganin ng empleyado ng Senado na nakatalaga sa pagtunog ng dalawang-minutong kampana na magdala ng sirena o kalembang upang ipaalala sa mga senator-judge na tapos na ang kanilang takdang oras.

“Sinasabihan ko ang tagabatingting, hindi ba pwede magdala ka ng sirena?… Bukod sa batingting, magdala siya ng kalembang para mas malakas,” aniya.

Sa impeachment trial nitong linggo, sinunod ni Lacson ang dalawang-minutong takdang oras habang nagtatanong sa isang auditor mula sa Commission on Audit (COA).

Nang tumunog ang kampana, na hudyat na natapos na ang kanyang takdang oras, umupo si Lacson at tinapos ang kanyang pagtatanong.

Gayunman, hinikayat siya ng presiding officer na si Francis Escudero na ipagpatuloy ang kanyang pagtatanong, at sinabing, “pati ako nabitin.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here