Home NATIONWIDE Couples for Christ nagbabala vs gurpo, indibidwal na gumagamit ng pangalan

Couples for Christ nagbabala vs gurpo, indibidwal na gumagamit ng pangalan

4
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Couples for Christ (CFC) sa publiko laban sa mga indibidwal at grupong gumagamit umano ng pangalan at logo ng organisasyon nang walang pahintulot.

Ayon kay CFC Executive Director Jaime Ilagan, may mga hindi awtorisadong grupo at indibidwal na gumagamit ng pangalan at logo ng CFC bilang bahagi ng kanilang identity, branding, social media pages at online platforms.

Sinabi ni Ilagan na ang pangalan at logo ng Couples for Christ ay rehistradong trademark sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at hindi maaaring gamitin ng sinumang indibidwal o organisasyon nang walang nakasulat na pahintulot mula sa CFC.

Ayon sa CFC, nalilito na ang ilang miyembro at publiko dahil napagkakamalan umanong opisyal o kaanib ng organisasyon ang mga grupong gumagamit ng pangalan nito.

Idinagdag ni Ilagan na noong Abril 3, 2008, kinilala ng dating Pontifical Council for the Laity, na ngayon ay Dicastery for Laity, Family and Life, ang “Couples for Christ” bilang opisyal na pangalan ng kilusan at nagpahayag na hindi ito maaaring gamitin ng ibang association.

Dahil dito, hinimok ng CFC ang mga grupong walang awtorisasyon na agad itigil ang paggamit ng pangalan at logo nito, kabilang ang paggamit sa social media pages, websites, promotional materials at merchandise na maaaring magpahiwatig ng opisyal na kaugnayan sa organisasyon.

Nagbabala rin ang grupo na maaari itong magsagawa ng nararapat na legal na hakbang laban sa sinumang magpapatuloy sa hindi awtorisadong paggamit o paglabag sa pangalan at logo ng CFC.

Hinimok naman ang mga miyembro, partners at publiko na maging mapanuri sa pagsali o pagsubaybay sa mga grupong gumagamit ng pangalang “Couples for Christ” o “CFC” at tiyaking beripikado muna ang kanilang authenticity sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng organisasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here