MANILA, Philippines – Hiniling ng Federation of Free Workers (FFW) nitong Sabado, Agosto 15, sa gobyerno na impluwensyahan ang mga employer sa Metro Manila na igalang ang unang tranche ng P85 dagdag-sahod kahit pa walang katiyakang pagsuspindeng ito ng isang korte sa Pasig City.
Noong Agosto 13, naglabas ang Branch 152 ng Pasig Regional Trial Court (RTC) ng preliminary injunction na nagsuspinde sa NCR Wage Order No. 27 matapos mag-expire ang temporary restraining order sa dagdag-sahod sa araw na iyon.
Ayon sa Article 126 ng Wage Rationalization Act (Republic Act No. 6727), “Walang korte, tribunal o iba pang entidad ang maaaring maglabas ng preliminary o permanent injunction o temporary restraining order laban sa anumang pagdinig ng [National Wages and Productivity] Commission o ng mga Regional Boards.”
Kabilang sa mga nagpetisyon laban sa dagdag-sahod ang mga kumpanyang Readycon Trading and Construction Corp. sa Manggahan, Pasig City at R-II Builders sa Diliman, Quezon City.
Ang unang tranche na P60 ay dapat nagsimula na noong Hulyo 25. Ang ikalawang tranche na P25 naman ay nakatakda sa Enero 20, 2027.
Ayon sa FFW, hindi lang mga manggagawa ang makikinabang sa dagdag-sahod. Paliwanag nila, makakatulong ito sa pagpapasigla ng ekonomiya, pagpapabuti ng purchasing power ng mga consumer, at pagtaas ng demand para sa iba’t ibang produkto at serbisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden