Home NATIONWIDE Binatilyo na nalunod sa Pampanga, natagpuan sa Tarlac

Binatilyo na nalunod sa Pampanga, natagpuan sa Tarlac

1
0

PAMPANGA – Natagpuan nitong sabado, Agosto 15, 2026, ang labi ng isang 13-anyos na binatilyo na inulat na nalunod nitong Biyernes sa ilog sa Sitio Daungan, Tabun Riverside, Mabalacat City, Pampanga na napadpad ito sa tabing ilog sa Barangay Lourdes, Bamban, Tarlac.

Sa ulat, nagtulungan ang Mabalacat City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Bamban MDRRMO sa inilatag na search and retrieval operations sa nawawalang teenager.

Naligo umano ang binatilyo sa malabong tubig ng ilog sa kasagsagan ng pag-ulan, na natangay ng malakas na agos at napadpad sa ilog sa karatig na lugar.

Pahirapan ang paghahanap sa labi ng biktima dahil sa malabong tubig na inabot ng dalawang araw bago ito ma-recover ng mga rescuer. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here