Home NATIONWIDE Bukas, transparent bicam sa 2027 budget suportado ng mga solon

Bukas, transparent bicam sa 2027 budget suportado ng mga solon

3
0

MANILA, Philippines – Suportado ng ilang mambabatas ang panukalang gawing bukas sa publiko at i-livestream ang bicameral conference committee deliberations para sa proposed P7.2-trilyong national budget para sa 2027.

Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., mahalaga ang transparency sa bicam upang makita ng mga taxpayer kung saan at paano gagastusin ang pondo ng bayan.

“Palagay ko dapat maging transparent tayo sa bicam. Dapat talagang makita,” ani Abante sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Iminungkahi rin niyang imbitahan sa mga pagdinig ang mga religious group, educators at civil society organizations upang masiguro na walang itinatago sa publiko.

Ang proposed 2027 national budget ay nasa P7.2 trilyon, o halos 6 porsiyentong mas mataas kumpara sa P6.793 trilyong 2026 budget. Kabilang dito ang P111.9 bilyong unprogrammed appropriations, na maaaring ilabas lamang kapag natugunan ang mga itinakdang kondisyon sa pagpopondo.

Pinakamalaki naman ang alokasyon ng Department of Education na aabot sa P976 bilyon.

Binigyang-diin ni Abante na kailangang malaman ng publiko ang pinagmumulan ng pondo, uri ng mga proyekto, paraan ng implementasyon, halaga ng budget at kung sino ang mangangasiwa sa mga ito.

Magsisimula bukas, Agosto 17, ang deliberasyon ng Kamara sa 2027 national budget, na target nitong maaprubahan bilang General Appropriations Bill pagsapit ng Oktubre 9.

Samantala, sinabi ni Acting Department of Budget and Management Secretary Kim de Leon na ang pagbubukas sa publiko ng bicameral proceedings ay makatutulong sa pagkakaroon ng mas transparent, accountable at participatory na proseso ng pagbabalangkas ng budget. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here