Home NATIONWIDE Pag-atake kay Macacua, atake sa Bangsamoro Peace Process – solon

Pag-atake kay Macacua, atake sa Bangsamoro Peace Process – solon

1
0

MANILA, Philippines – Hindi lang banta sa buhay ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua kundi isang direktang pag-atake sa buong Bangsamoro peace process ang nangyaring pananambang sa convoy nito, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Mariing kinondena ni Adiong ang marahas na insidente at nanawagan sa mga awtoridad na mabilis na matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen, lalo pa at naghahanda ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa kauna-unahang regular parliamentary elections nito sa Setyembre 14.

“We strongly condemn the brazen attempt on the life of BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua. We demand justice through a swift, thorough, and complete investigation of this reprehensible crime,” pahayag ni Alonto Adiong.

“Those responsible must be identified, apprehended, and brought to justice without delay. The Bangsamoro people deserve nothing less than the full truth and unwavering accountability,” dagdag pa ng mambabatas.

Nagbabala rin si Alonto Adiong na ang ganitong klaseng karahasan ay may malalim na epekto sa pangkalahatang sitwasyon sa rehiyon, lalo na at halos isang buwan na lamang bago ang makasaysayang botohan.

“This attack strikes not only at the life of the Chief Minister but at the very foundation of the Bangsamoro peace process,” giit ni Alonto Adiong.

Iginiit pa nito na hindi dapat hayaang manaig ang takot at dahas upang masira ang mga pinaghirapang tagumpay sa proseso ng kapayapaan sa rehiyon.

Dahil dito, nanawagan siya sa lahat ng kampo at sektor na dumaan sa maayos na usapan at igalang ang mga demokratikong proseso para sa anumang sigalot o hinaing. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here