Home NATIONWIDE Pasahero na biyaheng Manila arestado sa baril, bala sa Laoag Airport

Pasahero na biyaheng Manila arestado sa baril, bala sa Laoag Airport

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang pasaherong biyaheng Manila matapos makuhanan ng baril at bala nang walang kaukulang dokumento sa loob ng kanyang bagahe sa Laoag International Airport.

Ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEG), nakita ng airport security ang .45 caliber Colt firearm, magazine, at walong live ammunition sa suspek sa standard X-ray screening.

Kalaunan ay nakumpirma ito sa physical inspection ng security screening officer.

Nasa kustodiya na ng police station ng paliparan ang suspek para sa tamang dokumentasyon at legal na aksyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here