Home NATIONWIDE 8 mangingisda na pinaniniwalaang sangkot sa smuggling ng gasolina arestado ng PCG

8 mangingisda na pinaniniwalaang sangkot sa smuggling ng gasolina arestado ng PCG

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong mangingisda na pinaghihinalaang nag-iismagel ng gasolina sa Tingloy, Batangas nitong Sabado, Agosto 15.

Sinuri ng mga tauhan ng PCG-Batangas Station ang barko matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa isang fishing vessel na palutang-lutang mga 30 metro mula sa baybayin ng Barangay Makawayan dahil umano sa sira ang makina.

Kinuwestyon ang lapitan at mga crew ng nasabing barko at natuklasan na ang 26-meter na fishing vessel na may gross tonnage na 15 ay walang dokumento.

Ibinunyag din ng isa sa mga crew na ang barko ay may kargang 5,000 litro ng diesel na walang kinakailangang permiso mula sa gobyerno.

Ayon sa crew member, 4,000 litro ng diesel ang kargang ibebenta, habang ang natitirang 1,000 litro ay para sa sariling gamit ng barko.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at case buildup ang PCG Legal Unit at Investigation and Detection Unit para matukoy ang pinagmulan, may-ari, layunin, at legalidad ng mga produktong petrolyo, pati na rin ang mga pangyayari kaugnay ng pinaghihinalaang hindi awtorisadong paglilipat o pagbebenta ng gasolina sa karagatan.

Nasa kustodiya na ng PCG ang walong suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here