Home NATIONWIDE Ken Tayno–Sto. Rosario Road sa Ilocos Sur, nadaraanan na ng mga motorista

Ken Tayno–Sto. Rosario Road sa Ilocos Sur, nadaraanan na ng mga motorista

1
0

MANILA, Philippines – Maaari nang madaanan ng motorsiklo ang Ken Tayno–Sto. Rosario Road sa bayan ng Sigay sa San Ildefonso, Iloccos Sur.

Samantala, pinapayagan lang makadaan ang mga four-wheel o mas malalaking sasakyan sa mga itinakdang oras.

Ito ang ibinahagi habang patuloy pa rin ang road clearing at repair work.

Ayon sa update ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong Linggo, Agosto 16, maaaring dumaan ang mga sasakyang may apat na gulong o higit pa mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 a.m. at mula 2:00 p.m. hanggang 3:00 p.m. araw-araw.

Pinayuhan naman ang mga motorista na sundin ang iskedyul para maiwasan ang pagkaantala sa mga road worker na nagtatanggal at naglilinis ng malalaking bato sa ruta at para mapabilis ang pagkumpleto ng mga pag-aayos.

Tiniyak din ng MDRRMO na maaaring dumaan anumang oras ang mga emergency vehicle at ang mga rumesponde sa mga urgent na kaso.

Hinikayat din ang mga residente na magpasensya habang sinusumikap ng mga awtoridad na tuluyang buksan muli ang kalsada sa lalong madaling panahon.

Naapektuhan ang kalsada ng landslide dulot ng malalakas na pag-ulan ng habagat, na nagbara sa ilang bahagi ng ruta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here