Home NATIONWIDE Impeachment trial vs VP Sara, maaaring magkaroon ng pag-usad – Diokno

Impeachment trial vs VP Sara, maaaring magkaroon ng pag-usad – Diokno

3
0

MANILA, Philippines — Maaaring magkaroon ng mahalagang pag-usad sa ika-16 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa pagtestigo ng special disbursing officers na sina Gina Acosta at Eduardo Fajarda.

Ayon kay Akbayan party-list lawmaker at impeachment prosecutor Chel Diokno, makatutulong ang kanilang testimonya upang mas maipaliwanag ang posibleng maling paggamit ng confidential at intelligence funds ni Duterte.

Nauna nang sinabi nina Acosta at Fajarda sa House Committee on Good Government and Public Accountability na direktang ipinasa nila ang mga nakuhang cash mula sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa mga security officer ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG), alinsunod sa tahasang utos ni Duterte.

“Medyo may milestone ito sa trial natin. Kung maalala ninyo sila rin ‘yung humarap noon sa hearings ng Kongreso. At sila rin ang may binitawang salita tungkol sa pera na ibinaba sa kanila bilang Special Disbursing Officer,” ani Diokno sa DZMM.

Hindi naman sinabi ni Diokno kung ipatatawag din ng prosecution sina Colonels Raymund Dante Lachica at Dennis Nolasco, dating hepe at deputy commander ng VPSPG, na tumanggap umano ng multimilyong pisong cash disbursement mula sa confidential funds. Aniya, ayaw niyang ibunyag ang kanilang strategy, ngunit mahalaga ang mga susunod na araw ng paglilitis. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here