Home NATIONWIDE Special election sa Dasma umiinit; 2 arestado sa pamimigay ng stub, leaflets...

Special election sa Dasma umiinit; 2 arestado sa pamimigay ng stub, leaflets ng kandidato

1
0

CAVITE, Philippines – Sa kasagsagan ng pangangampanya sa gaganaping special election para sa ika-apat na distrito ng Cavite, 2 Lalamove driver ang inaresto kaugnay sa umano’y pamimigay ng mga Rice stubs at mga leaflets mula di umano sa kampo ni  Mayor Jenny Barzaga na kumakandidato bilang kongresista sa nasabing distrito habang 7 pawang mga menor de edad pa ang dinala sa CSWD na ginamit din sa pamimigay ng mga leaflets, kahapon August 16, 2026 sa Brgy Sabang Dasmarinas City Cavite.

Ayon sa report, inaresto ang mga suspek matapos mahuling namimigay mg mga hindi awtorisadong leaflets at stub para sa relief package mula sa Pamahalaang lungsod ng Dasmarinas.

Kinilala ang 2 suspek sa mga alyas Rafael, 49 anyos at Bernard, 45 anyos, kapwa  Lalamove driver na residente sa lalawigan ng Laguna.

Pinaghahanap pa ang isa pang kasamahan ng mga ito na kinilala sa alyas Badong.

Base sa ginawang pag iimbestiga ng Dasmarinas City Police, nag-ugat ang pag aresto matapos magreport ang ilang residente ng Brgy Sabang hinggil sa pamimigay ng mga leaflets patungkol sa darating na Special Election ngayong Agosto 29 sa lungsod.

Lumalabas sa nilalaman ng mga leaflets ang pag aalok ng 10 kilong bigas at 2 grocery bags bilang di umanoy Calamity relief package mula sa tanggapan ni Mayor Jenny Austria Barzaga na kandidato sa pagka Congresswoman ngayong darating na Special Election.

Pinapapunta ang mga nabibigyan ng stub sa Cityhall para i-claim ang mga ito.

Agad naman itong pinabulaanan ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Dasmarinas at wala umano silang opisyal na programa o mga ipinamimigay na Claim Stubs.

Sa pagresponde ni Brgy Captain Kenneth Saria, kasama ang mga Brgy Tanod nito sa inireport na lugar, naaktuhan ang 2 suspek na namimigay ng nasabing pharapernalia.

Narekober sa sasakyan na Toyota Hi- Ace Van na may plate number AOA 5859 ang 7 kahon at 1 bundle na naglalaman pa ng mga propaganda materials at 7 kabataan na pawang mga menor de edad na umanoy katuwang sa pamimigay ng mga leaflets.

Kasalukuyang  nakakulong at nakatakdang sampahan ng  kasong Paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code ( Unlawful Means of Publication and Unlwawful Utterance ) at paglabag sa Omnibus Election Code ang mga suspek. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here