Home IN PHOTOS Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP

Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP

1
0

MANILA, Philippines – Nagtungo sa tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) nitong Miyerkules ang mga lider ng Igorot at Lumad mula sa KATRIBU, kasama ang mga Ayta mula Tarlac at Pampanga, Mangyan mula Mindoro, Molbog mula Palawan, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo.

Layunin nilang panagutin ang ahensya sa mga alegasyon ng korapsyon, pang-aagaw ng mga lupang ninuno, at paglabag sa karapatan ng Indigenous Peoples (IP), kabilang ang karapatan sa Free, Prior and Informed Consent (FPIC).

Bilang paggunita sa National Indigenous Peoples and Peasant Month ngayong Oktubre, iginiit ng mga katutubo: “Enough of the plunder of ancestral lands and violations of our rights! Abolish NCIP!” DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here