MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, gayundin sa pagtugon sa iba’t ibang hamon sa mga komunidad na kanilang nasasakupan.
Kinilala ng Pangulo ang mga pagsisikap ng 302nd Infantry Brigade sa kanilang internal security operations, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang security partners, gayundin sa humanitarian assistance at disaster response.
Muli namang hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na patuloy na paigtingin ang kanilang civil-military operations, kakayahan sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad, at koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan.
Siniguro rin ng Chief Executive ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maisakatuparan ang kanilang misyon para sa kapayapaan, seguridad, at kapakanan ng mga filipino. (KRIS JOSE)