Home NATIONWIDE Nasawi sa hagupit ng Habagat, umabot na sa 27 – PNP

Nasawi sa hagupit ng Habagat, umabot na sa 27 – PNP

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 27 ang bilang ng mga namatay dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na 26 sa mga nasawi ay sibilyan at isa ay PNP personnel.

“Ang total po to the Habagat this coverage as of today, 27 na po — 26 civilians and one PNP personnel. We still have two missing and 18 injured, as of August 17, 6 a.m.,” ani Co.

Dalawa pa ang naiulat na nawawala habang 18 ang nasugatan, batay sa datos hanggang alas-6 ng umaga noong Agosto 17. Wala pang inilabas ang PNP na detalyadong tala kung saan at paano nasawi ang mga biktima.

Patuloy naman ang pagtulong ng mga police unit sa disaster response at pagpapanatili ng peace and order sa mga lugar na apektado ng malalakas na ulan.

Samantala, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na mahigit 5 milyon katao ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis at Maymay at Habagat.

Hanggang alas-6 ng umaga, umabot sa 5,084,667 katao o 1,450,747 pamilya ang naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region (CAR), Metro Manila at MIMAROPA.

May kabuuang 24,893 katao o 7,182 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 523 evacuation centers.

Dahil sa masamang panahon, sinuspinde rin ang klase sa ilang lugar sa bansa nitong Lunes. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here