Home NATIONWIDE Exec ni VP Sara, kinuwestiyon ni Tulfo sa panloloko: ‘Sa House, matatas,...

Exec ni VP Sara, kinuwestiyon ni Tulfo sa panloloko: ‘Sa House, matatas, dito hindi?

4
0

MANILA, Philippines – Tahasang kinuwestiyon ni Senator-judge Erwin Tulfo ang special disbursement officer (SDO) ni Vice President Vice President Sara Duterte sa pamimili kung saan magsasalita sa tagalog o hindi na tila pinahihirapan ang impeachment court.

Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na bakit limitado ang pagkakaintindi ni Gina Acosta, SDO ni Sara sa Office of the Vice President, sa tagalog nang humarap ito sa Senate impeachment court taliwas sa ikinilos nito sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan noong 2024.

Ayon kay Tulfo, lubhang nakakapagtaka ang ikinikilos ni Acosta sa pagsasalita ng tagalog kumpara sa testimonya nito sa Mababang Kapulungan noong nakaraang Nobyembre base sa opisyal na transcript of records.

“Mr. President, I have here the transcript of the hearing in Congress. Hindi ko po maintindihan bakit parang dito hirap na hirap po siya mag-Tagalog when in fact sa Congress po noong November, Tagalog naman po ang sagot niya,” ayon sa manipestasyon ni Tulfo sa impeachment court.

“Ang tanong po sa kanya ni Congressman Luistro, “payment of incentive?” “11 po.” “Would you know whether this amount would total 120, exactly?” “yes ma’am, [ni] total ko po yan ma’am, 120 million po.” It’s all, puro Tagalog,” dagdag ng senator-judge.

Dahil dito, kinuwestiyon Tulfo ang naturang opisyal kung bakit hindi nito maiintindihan ang kakayahan ni Acosta sa pakahulugan ng salitang “discretionary” dahil isa itong opisyal ng pamahalaan.

“Mr. President, what is this? I mean, mabuti po sana pati yung discretionary. She’s a government official. She doesn’t know what discretionary means is? What it means, dito po, sumasagot naman po siya. English, Tagalog. “Yes po.”  “Are you aware?” “Opo, of my authority, special disbursing officer? Kasi po, wala akong alam kung paano po i-implement ang mga confidential,” aniya.

“Tama na po itong panloloko sa atin,” aniya.

Kasabay nito, hiniling ni Tulfo sa impeachment court na atasan si Acosta na magsalita sa tagalog upang maunawaan ng lahat ng mamamayan na nakikinig na hindi nakakaintindi sa lenguwaheng Bisaya.

“Please, Mr. President, compel this witness to talk in Tagalog, kahit po yung mga Bisaya po nakakaintindi ng Tagalog, nakakasalita ng Tagalog, ano tayo sa ibang bansa? Ano tayo mga Hapon, mga Chinese? I know, Ms. Witness, you can understand. You can understand Tagalog,” ani Tulfo.

“You can speak Tagalog dahil lang dito po ito, ilang pahina po ito. Tagalog po yung sagot po ninyo. English po sumasagot kayo. Tinatanong kayo ng English, sumasagot po kayo. Bakit ngayon parang hirap na hirap? Kailangang i-translate sa Tagalog, sa Bisaya. Sagot, Tagalog, Bisaya, Tagalog, Bisaya. Eh abutin po tayo ng isang taon dito, Mr. President,” ayon kay Tulfo kay Acosta.

“Ito po yun. Sumagot naman po siya. Alangan ba naman, lolokohin tayo ng nagta-transcribe po nito. Sagot po yan. “Kasi po, nagbabase lang po ako sa ibinigay ni Sir Lachica ng mga ibinalik niya sa akin.” “Ms. Acosta, kindly answer the question.” “Piattos po ang sinabi ko ma’am, na apelyido,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here