Home METRO Marikina River, umabot sa second alarm

Marikina River, umabot sa second alarm

1
0

MARIKINA CITY, Philippines — Nanatili sa second alarm ang Marikina River nitong Lunes ng hapon matapos patuloy na tumaas ang lebel ng tubig, na umabot sa 16.1 metro alas-1:41 ng hapon, ayon sa Marikina City government.

Ilang minuto bago nito, alas-1:31 ng hapon, umabot sa 16 metro ang tubig na siyang itinakdang second-alarm level.

Mas maaga nitong Lunes, normal pa ang lebel ng ilog na nasa 14.8 metro alas-12:21 ng tanghali. Tumaas ito sa 15 metro alas-12:40 ng tanghali, dahilan upang itaas ng city government ang alerto sa first alarm.

Sa ilalim ng second alarm, pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na lumikas bilang pag-iingat, ngunit hindi pa ito sapilitan.

Kapag umabot naman sa 18 metro ang lebel ng tubig, itataas sa third alarm at magiging mandatory ang paglikas.

Patuloy ang pagtaas ng tubig habang nananatili ang habagat sa ilang bahagi ng Luzon at nagdadala ng ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here