Home METRO Holdaper sugatan nang barilin ng biniktima; 1 pang suspek, nakatakas

Holdaper sugatan nang barilin ng biniktima; 1 pang suspek, nakatakas

3
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Sugatan ang isa sa dalawang holdaper matapos barilin ng negosyanteng kanilang biniktima sa Caloocan City, Linggo ng umaga.

Mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang 44-anyos na suspek habang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan matapos isugod ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth.

Nabawi rin ng pulisya sa suspek ang tinangay nilang gold necklace at bracelet na may kabuuang halagang P50,000.00, pati na ang isang kalibre .28 revolver, habang nakatakas naman ang kanyang kasabuwat.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin, pauwi na ang 45-anyos na negosyante sakay ng motorsiklo matapos bumili sa isang grocery nang harangin ng mga suspek sa tapat ng Bagong Silang Public Market alas-5:30 ng umaga.

Nang papatakas na ang mga holdaper matapos matangay ang alahas ng negosyante, kaagad umanong binunot ng biktima ang kanyang lisensyadong kalibre .9mm pistol at pinaputukan ang isa sa mga suspek habang mabilis na nakatakas ang kanyang kasama.

“Those who use firearms to threaten and rob innocent citizens will meet the full and unyielding force of the law,” pahayag ni MGen. Aberin. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here