Home METRO 81 basyo ng bala, narekober sa ambush sa convoy ni Macacua

81 basyo ng bala, narekober sa ambush sa convoy ni Macacua

3
0
Screenshot

MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines – Hindi bababa sa 81 basyo ng bala mula sa high-powered firearms ang narekober sa lugar kung saan inambush ang convoy ni Bangsamoro interim Chief Minister Abdulraof Macacua noong Sabado ng hapon, ayon sa pulisya.

Bumuo ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ng Special Investigation Task Group-Interim Chief Minister (SITG-ICM) upang imbestigahan ang pamamaril sa convoy.

Ayon kay PRO-BAR spokesperson Capt. Steffi Salanguit, pamumunuan ang grupo ni Maguindanao del Norte police director Col. George Bagundol, sa ilalim ng supervision ni PRO-BAR deputy regional director for operations Col. Rexmel Reyes.

Pauwi na si Macacua mula sa isang political assembly nang paputukan ang kanyang convoy sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa unang imbestigasyon, nakarekober ang pulisya ng 15 basyo ng 5.56mm rifle at limang basyo ng 7.62mm firearm.

Matapos ang pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), umabot sa 81 ang kabuuang nakuhang bala at basyo, kabilang ang apat na live rounds.

Patuloy ang imbestigasyon upang makalikom ng karagdagang ebidensya at matukoy ang mga nasa likod ng ambush. Wala pa ring malaking development sa kaso.

Hindi pa rin natutukoy ng PRO-BAR kung may kaugnayan ang insidente sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Salanguit, patuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here