Home NATIONWIDE PCG, kakasa ng kaso vs 8 nahuli sa ilegal fuel transfer sa...

PCG, kakasa ng kaso vs 8 nahuli sa ilegal fuel transfer sa Batangas

1
0

MANILA, Philippines – Maghahain ng kaso ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa walong katao na inaresto sa Batangas noong weekend dahil sa hinalang ilegal na fuel transfer operation, ayon sa tagapagsalita nito nitong Lunes.

Sinabi ni Commodore Noemie Cayabyab na nagsagawa na ng imbestigasyon ang PCG at magsasampa ng mga reklamo sa provincial prosecutor.

Sinabi rin niya na maaari ring makumpiska ang mga produktong petrolyo at ang barkong ginamit sa operasyon.

Naglabas din ang PCG ng enforcement inspection apprehension report na nagsasaad ng posibleng sabwatan sa pagitan ng kapitan ng barko at ng ship owner.

Nabanggit din dito ang pagkabigong maghain ng safety declaration at hindi pagkuha ng PCG clearance bago umalis ng pantalan.

Ayon kay Cayabyab, patuloy ang pagroronda ng PCG sa mga lugar kung saan naiulat ang mga ilegal na fuel transfer, lalo na sa Batangas.

Samantala, nakatagilid pa rin ng halos 30 degrees sa starboard side ang tugboat na SL Suay 1 na sumadsad sa Botolan, Zambales.

Sinabi ni Cayabyab na batay sa underwater inspection ng PCG, walang oil spill at nakasealed ang mga tangke ng barko.

Idinagdag niya na uumpisahan ang salvage operations kapag gumanda na ang lagay ng panahon.

Ani Cayabyab, ang mga ship owner ang karaniwang sasagot sa gastos ng mga salvage operation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here