Home HOME BANNER STORY #Walangpasok sa ilang lugar; alternative setup sa NCR, 14 probinsya sa Aug....

#Walangpasok sa ilang lugar; alternative setup sa NCR, 14 probinsya sa Aug. 18

1
0

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng alternative work arrangements ang mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes ang mga paaralan sa National Capital Region at 14 lalawigan sa Martes, Agosto 18, habang ilang lokal na pamahalaan at paaralan ang nagdeklara na rin ng suspensyon ng klase dahil sa malakas na ulan dulot ng Habagat.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 128 ng Malacañang, sakop ng alternative setup ang NCR, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna at Occidental Mindoro.

Para sa public at private schools sa mga naturang lugar, alternative learning modes ang ipatutupad maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang local chief executive.

Samantala, may ilang LGU at paaralan na naglabas na ng hiwalay na deklarasyon ng suspensyon o pagbabago sa klase para sa Agosto 18.

Sa Metro Manila, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Caloocan at Marikina, habang lilipat sa alternative delivery mode ang Manila, Pasig, Quezon City, Pateros at Pasay.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas at office work sa University of Santo Tomas, habang walang face-to-face classes at lilipat sa asynchronous modality ang University of the East Manila at Caloocan.

Sa mga lalawigan, kabilang sa mga nagdeklara ng suspensyon o alternative learning setup ang ilang lugar sa Cavite, Pangasinan, Pampanga, Zambales at Benguet.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster response at iba pang mahahalagang serbisyo.

Maaari ring magdeklara ang mga local chief executive ng suspensyon ng klase o trabaho sa gobyerno sa mga lugar na hindi sakop ng memorandum kung kinakailangan.

Para naman sa pribadong sektor, nasa pagpapasya ng kani-kanilang management ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements.

Pinapayuhan ang mga estudyante, magulang at manggagawa na bantayan ang pinakahuling advisories ng kanilang LGU, paaralan o opisina dahil maaaring magbago ang mga deklarasyon depende sa lagay ng panahon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here