Home NATIONWIDE Pinay pinawalang-sala sa bigamiya; unang kasal ‘di balido — SC

Pinay pinawalang-sala sa bigamiya; unang kasal ‘di balido — SC

1
0

MANILA, Philippines – Pinawalang-sala sa kasong bigamy ang isang Filipina matapos baligtarin ng Korte Suprema ang naunang hatol ng mas mababang korte.

Ayon sa SC, walang bisa mula sa simula ang unang kasal ni “Fe” sa Japanese national na si Takahiko Sato dahil wala itong marriage license.

Sinusuportahan ito ng sertipikasyon mula sa civil registrar na walang record ng marriage license application ng dalawa.

Iginiit ng Korte Suprema na kailangan ang valid na marriage license para maging legal ang kasal. Kung wala ito at may patunay mula sa civil registrar, walang bisa ang kasal ab initio o mula sa simula.

Taong 2000 nang pakasalan ni Fe si Sato para umano makapasok sa Japan. Sabi ni Fe, pinapirma lamang siya sa blangkong papel at hindi sila nagsama sa Japan.

Noong 2001, pinakasalan naman ni Fe ang isa pang lalaki, isang Filipino, pero iniwan din niya ito noong 2004 para magtrabaho sa Japan. Doon nalaman ng pangalawang asawa ni Fe ang naunang kasal at nagkaso ng bigamy.

Napatunayang guilty si Fe ng RTC Guagua noong 2017 at kinatigan ito ng Court of Appeals.

Pero ngayong 2026, binaligtad ng SC Third Division ang hatol at pinawalang-sala si Fe dahil hindi napatunayang valid ang unang kasal.

Dahil walang bisa ang unang kasal, hindi siya maaaring makasuhan ng bigamy sa pangalawang pag-aasawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here