Home METRO Gurong galing sa mosque, tigok sa pamamaril sa Davao City

Gurong galing sa mosque, tigok sa pamamaril sa Davao City

1
0

DAVAO CITY — Patay ang isang 58-anyos na guro sa madrasah matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin ilang sandali matapos itong manggaling sa isang mosque sa Barangay Talomo Proper, Davao City nitong Linggo ng gabi, Agosto 16.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), patuloy ang follow-up investigation upang matukoy ang gunman at motibo sa pagpatay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakarinig ng sunod-sunod na putok ang mga residente bago nakitang duguan at nakahandusay sa kalsada ang biktima. Limang beses umano itong binaril.

Base sa ulat, kagagaling lamang ng biktima sa mosque matapos magdasal nang tambangan ito ng isang lalaki.

Kinumpirma naman ni DCPO spokesperson Police Major Ma. Teresita Gaspan na guro sa madrasah ang biktima at residente rin sa lugar.

“Until now, we are still conducting follow up investigation especially unidentified ang suspect,” ani Gaspan sa panayam.

Wala pang inilalabas na impormasyon ang pulisya hinggil sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin o dahilan sa likod ng pagpatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng DCPO habang hinihintay din ang pahayag ng pamilya ng biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here