Home HOME BANNER STORY 2 estudyante tigok sa Ateneo de Zamboanga shooting; suspek kabilang sa nasawi

2 estudyante tigok sa Ateneo de Zamboanga shooting; suspek kabilang sa nasawi

1
0

ZAMBOANGA CITY — Dalawang estudyante ang nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes ng umaga, Agosto 18, kabilang ang estudyanteng umano’y responsable sa insidente.

Kinumpirma rin ng regional police na nagkaroon ng pamamaril sa isang high school campus sa lungsod at agad na rumesponde ang mga awtoridad upang tiyakin ang seguridad sa lugar.

Sa isang panayam sa radyo, kinumpirma ni Zamboanga City Mayor Khymer Olaso na nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga.

Batay umano sa paunang impormasyon, nakapasok sa paaralan ang suspek na may dalang high-powered firearm at .45 caliber pistol.

Sinabi ni Olaso na makikita umano sa video na una nitong tinangkang paputukan ang isang guro bago lumipat sa ibang silid at barilin ang isang estudyante.

Namatay ang naturang estudyante habang nasawi rin kalaunan ang umano’y gunman. Sinabi rin ng alkalde na dalawa pang indibidwal ang posibleng nasugatan.

Ayon pa kay Olaso, may suot umanong body camera ang suspek at nagla-livestream habang nagaganap ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa pamamaril at kung paano naipasok sa campus ang mga armas.

Nagpatupad din si Olaso ng suspensyon ng klase nitong Martes ng umaga.

Ang insidente ay kasunod ng isa pang malagim na school shooting sa Tacloban City noong Hunyo 22, kung saan tatlong estudyante ang napatay at hindi bababa sa 20 ang nasugatan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here