Home METRO 2 patay sa tumagilid ang bus sa palayan sa Nueva Ecija

2 patay sa tumagilid ang bus sa palayan sa Nueva Ecija

19
0

NUEVA ECIJA — Dalawang pasahero ang nasawi matapos mawalan umano ng kontrol ang isang Baliwag Transit bus, sumalpok sa puno at tumagilid sa palayan sa Barangay Aglipay, Rizal, Nueva Ecija madaling araw ng Biyernes, Agosto 14.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alexander Villajuan, 43, empleyado ng National Irrigation Administration (NIA), at Genelyn Carbon, 39, kapwa residente ng Pantabangan.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, patungong Maynila mula Pantabangan ang bus nang mawalan umano ng steering control habang binabagtas ang bahagi ng Barangay Aglipay dakong alas-4 ng madaling araw.

Lumihis umano pakanan ang bus bago bumangga sa puno at tumagilid sa katabing palayan.

Minamaneho ang sasakyan ni Norman Labrador, 41, ng Llanera, Nueva Ecija. Dinala rin umano siya sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon.

Ilang pasahero, kabilang ang driver at konduktor, ang nagtamo ng mga pinsala at binigyan ng paunang lunas ng mga responder bago isinugod sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente at kung may mechanical problem na nagresulta sa pagkawala ng kontrol sa bus. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here