Home METRO 100-anyos na acacia, bumagsak sa EDSA-Kamuning

100-anyos na acacia, bumagsak sa EDSA-Kamuning

14
0

MANILA, Philippines — Isang century-old acacia tree ang bumagsak sa southbound lane ng EDSA-Kamuning sa Quezon City madaling araw nitong Martes, Agosto 18, dahilan upang maharangan ang isang lane habang nagpapatuloy ang malakas na ulan.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang insidente bandang alas-4 ng madaling araw malapit sa Police Station 10. Isang tao ang naiulat na na-trap ngunit kalaunan ay nasagip.

Nagpadala ang MMDA Metro Parkways and Clearing Group ng mga tauhan at kagamitan, kabilang ang chainsaw, upang alisin ang puno, mga sanga at debris sa kalsada.

Rumesponde rin ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department matapos umanong tamaan ng puno ang isang sasakyan.

Naapektuhan din ang isang utility pole kaya kinailangang hintayin muna ng clearing team ang kumpirmasyon na ligtas na ang linya ng kuryente bago tuluyang alisin ang mga nakaharang na sanga at debris.

Bandang alas-8:42 ng umaga, isang lane pa rin ang okupado habang nagpapatuloy ang clearing operations, ayon sa MMDA traffic advisory.

Pinag-iingat ang mga motorista na daraan sa southbound portion ng EDSA-Kamuning habang nililinis ang lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here