Home NATIONWIDE DA, kinalampag ni Lapid sa ‘Rescue Buy Scheme’ sa gulay ng Benguet

DA, kinalampag ni Lapid sa ‘Rescue Buy Scheme’ sa gulay ng Benguet

1
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng panghihinayang si Senador Lito Lapid sa pagtatapon at pagkasira ng mga gulay mula sa lalawigan ng Benguet matapos matunghayan na itinatapon lamang ang aning gulay sa bangin dahil hindi nabibili.

Sa pahayag, sinabi ni Lapic na base sa ulat, itinapon na lang ng magsasaka ang repolyo at carrots sa Labey-Lacamen road, Tublay, Benguet dahil sa kawalan ng mamimili at bagsak presyo ng gulay sanhi ng bagyo at habagat.

Si Lapid, na isa ring magsasaka, ay nananawagan kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na agad magpatupad ng “rescue-buy” scheme sa mga produktong agrikultura na pwede pang anihin sa Benguet at iba pang bayan para mapakinabangan.

Mungkahi ni Lapid maaaring magsagawa ng programa ang Department of Agriculture o D.A. na ipamahagi ang mga gulay na mabibili mula sa ating mga magsasaka sa Benguet sa mga kababayan nating na sa evacuation centers na apektado ng magkakasunod na kalamidad.

Bukod dito, suhestyon pa ni Lapid na pag-aralan kung paano magagamit ng mga nag-aalaga ng hayop at mga magsasaka ang mga maisasalbang gulay na hindi na puwedeng kainin o ipamahagi.

“Kahit papaano mapapakinabangan ang gulay ng mga nasalanta ng bagyo at habagat.

Kung bibilhin ng D.A. ang mga gulay, malaking tulong din ito sa mga magsasaka sa Benguet para mabawi ang kanilang puhunan at gastusin sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay,” ayon pa kay Lapid.

Ang “rescue-buy” scheme ay isang emergency intervention kung saan magkatuwang ang gobyerno, civic at non-government organizations (NGOs) na bibili ng mga produktong agrikultura mula sa mga magsasaka sa Benguet, Cagayan Valley at iba pang lugar sa bansa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here