Home HOME BANNER STORY #WalangPasok, Aug. 19 sa hagupit ng habagat

#WalangPasok, Aug. 19 sa hagupit ng habagat

1
0

MANILA, Philippines — Suspendido o inilipat sa online at modular learning ang mga klase sa ilang lugar at unibersidad sa Miyerkoles, Agosto 19, dahil sa patuloy na epekto ng habagat.

Sa Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina City, ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan.

Sa Batangas, inilipat naman sa online o modular distance learning ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Batangas City, Nasugbu, Mabini, Calatagan, Bauan at Lemery. Sa Tuy, sakop ng alternative learning setup ang pre-elementary hanggang senior high school.

Nagpatupad din ng pagbabago sa klase ang ilang unibersidad sa Metro Manila.

Walang klase sa lahat ng antas at walang office work sa University of Santo Tomas (UST) sa Agosto 19.

Samantala, asynchronous classes ang ipatutupad para sa K to 12 at college students ng University of the East-Manila at Caloocan, habang may hiwalay na online arrangements para sa College of Law, College of Dentistry at Graduate School.

Sa Adamson University, mananatili naman sa online synchronous mode ang klase sa lahat ng antas sa Miyerkoles.

Pinapayuhan ang mga estudyante at magulang na patuloy na bantayan ang mga abiso ng kani-kanilang LGU at paaralan dahil maaari pang madagdagan o mabago ang listahan ng mga suspensyon depende sa lagay ng panahon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here