
MANILA, Philippines — Inatasan ng Malacañang ang mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at 17 probinsya na magpatupad ng angkop na alternative work arrangements sa Miyerkoles, Agosto 19, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na habagat.
Nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 129, na inilabas nitong Martes, Agosto 18, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).






