Home HOME BANNER STORY Malakanyang: Gov’t offices sa NCR, 17 probinsya naka-alternative work setup sa Aug....

Malakanyang: Gov’t offices sa NCR, 17 probinsya naka-alternative work setup sa Aug. 19

2
0
Bumagal ang takbo ng mga sasakyan sa kahabaan Ng Roxas Blvd sa Maynila nitong umaga ng Lunes, Agosto 17, 2026 dahil sa malakas na ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar.Larawan ni ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines — Inatasan ng Malacañang ang mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at 17 probinsya na magpatupad ng angkop na alternative work arrangements sa Miyerkoles, Agosto 19, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na habagat.

Nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 129, na inilabas nitong Martes, Agosto 18, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sakop ng direktiba ang NCR at mga lalawigan ng Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Samantala, ipatutupad naman ang alternative learning modes at learning continuity measures sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga nabanggit na lugar, maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang local chief executive.

Nilinaw ng Malacañang na ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness at response, at iba pang vital services ay magpapatuloy sa operasyon.

Patuloy ding tatanggap ng kaukulang sahod ang Contract of Service at Job Order workers na ilalagay sa alternative work arrangement, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Maaari ring magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng localized suspension ng klase o trabaho sa iba pang lugar depende sa sitwasyon.

Para naman sa pribadong sektor, nasa pagpapasya ng management kung magsususpinde ng trabaho o magpapatupad ng alternative work arrangements.

Nilagdaan ang circular ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, sa pamamagitan ng awtoridad ng Pangulo, at agad itong nagkabisa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here