Home NATIONWIDE Pagkukumpuni, pagpapalit ng nasirang classroom pinabibilis ng solon

Pagkukumpuni, pagpapalit ng nasirang classroom pinabibilis ng solon

1
0

MANILA, Philippines – Hinihimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) at mga local government units (LGUs) na tiyaking agad na makumpuni at mapalitan ang mga silid-aralan na nasira dahil sa habagat. Mahalaga aniya ito para ligtas na maipagpatuloy ang klase sa mga apektadong lugar.

Batay sa ulat ng DepEd nitong Agosto 14, umabot sa 6,681 classroom ang nasira dahil sa pinagsamang epekto ng dalawang bagyo at habagat.

“Tuwing bumabangon tayo mula sa mga kalamidad, kailangang agarang kumpunihin o palitan ang mga nasirang silid-aralan upang ‘wag malagay sa panganib ang mga mag-aaral dahil lamang sa mga pasilidad na hindi agad naaayos,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin niya na lalo pang lalala ang kakulangan sa basic education facilities kung hindi makukumpuni o mapapalitan ang mga classroom na ito. Batay sa DepEd data noong Hulyo ng nakaraang taon, umabot sa 147,000 ang classroom backlog.

Kasama sa P67.9 bilyong pondo allocation para sa silid-aralan sa 2026 national budget ang pagpapalit ng mga school buildings.

Kamakailan ding inanunsyo ng DepEd na maglalaan ito ng P34.355 milyon para sa cleanup and clearing operations sa 1,195 apektadong paaralan, habang P201.586 milyon naman ang nakalaan para sa minor repairs ng 4,114 classroom. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here